Magpapaalam Lamang – Unang Yugto
Ni Remedios Dorio
Si ANITA ay maagang naging balo sa edad na dalawampu't limang taong gulang. Maagang namatay ang kanyang asawang si Edmund, anim na taon pa lamang silang kasal. Nang sila ay ikinasal, labing-siyam na taong gulang pa lamang si Anita at sa ikalawang taon ng kolehiyo sa kursong niyang Mass Communication.
Sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama, nagkaroon sila ng tatlong anak at nang mamatay si Edmund ay hindi na siya muling nag-asawa pa. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang panahon sa kanyang tatlong anak. Nagtrabaho muna siya bilang isang sales lady sa tindahan ng mga damit at kalaunan sa isang call center bilang customer service agent. Tatlumpu't limang taong gulang na si Anita.
Nagtatrabaho siya sa call center nang halos tatlong taon nang magpasiya siyang tumigil.
"Titigil ka sa pagtatrabaho?" Nagulat ang ina ni Anita na si Tonya at nag-alala nang marinig niya mula sa kanyang anak na nagbitiw ito sa kanyang trabaho sa call center.
"Oo, nagbitiw ako kahapon. Kailangan ko pa ring magtrabaho ng dalawang araw para makumpleto ang buwang ito," sagot ni Anita sa kanyang ina.
"Bakit?" tanong ni Tonya.
"Ayaw ko nang magtrabaho pa sa call center. Pagod na ako sa pagtatrabaho doon, Nawalan na ako ng gana, " sagot ni Anita.
"Pero alam mo na umaasa kami sa iyong kita? Paano makakakain at makapag-aral ang mga anak mo kung wala ka ng kita?" Talagang nag-aalala si Tonya. Sila ng kanyang asawang si Nardo ay umaasa lamang din sa kita ni Anita. Si Tonya ang nag-aalaga sa mga anak ni Anita kung ito ay nagtatrabaho. Si Nardo, na nawalan ng isang binti sa isang aksidente, ay wala ring trabaho.
"Kailangan kong tumigil dahil talagang pagod na akong magtrabaho sa call center. Nagtatrabaho sa gabi at sa araw naman natutulog, hindi normal." sabi ni Anita sa kanyang ina. Nakikinig lang ang kanyang ama, hindi ito nagsasalita.
"Ano ang mangyayari sa atin ngayon? Sa atin ang bahay na ito, kaya hindi tayo umu-upa pero kailangan nating bayaran ang tubig at kuryente?" tanong ni Tonya kay Anita.
"Tonya, hindi mo maaaring pilitin ang iyong anak na magtrabaho sa trabaho na ayaw na niya," sabi ni Nardo kay Tonya.
"Nag-aalala lang ako. Iniisip ko ang mga bata," sagot ni Tonya sa kanyang asawa.
"Nanay, may ipon ako sa bangko. Sa loob ng tatlo o apat na buwan, hindi mo kailangan mag-alala," sabi ni Anita kay Tonya.
"Ano ang gagawin mo ngayon dahil huminto ka sa trabaho mo?" tanong ni Tonya kay Anita.
"Magkonsentrar ako sa aking pagba-vlogging," sagot ni Anita sa kanyang ina.
"Vlogging? Ano iyon?" si Tonya ay hindi alam kung ano ang vlogging.
"Mayroon akong account sa YouTube, at ako ay nagba-vlogging," sabi ni Anita.
"Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung ano iyang vlogging. Nardo alam mo ba?" Tinanong ni Tonya si Nardo kung alam niya kung ano ang vlogging.
"Ako ang tinatanong mo, eh, paano ko malaman? Hindi ko rin alam kung ano ang vlogging," sagot ni Nardo tonya.
"Vlogging ay ang paggawa ng mga video pagkatapos ay i-upload at i-broadcast sa You Tube," paliwanag ni Anita sa kanyang mga magulang kung ano ang vlogging.
"Kumikita ka ng pera diyan?" interesado si Tonya kung may kikitain na pera ang kanyang anak sa pagba-vlogging.
"Alam ko na ang ilang mga vloggers ay kumikita ng maraming pera, iyon ang dahilan kung bakit nagpasya ako na mag-vlogging din. Boss ako sa aking sarili at magta-trabaho lang anumang oras na gusto ko," sagot ni Anita kayTonya.
"Kung ganoon, mas mainam iyan kaysa sa call center na gabi ang trabaho," sabi ni Tonya.
"Pero matatagalan pa bago kumita ng pera. Kailangan kong magkaroon muna ng kahit isang libong subscriber at apat na libong oras na views," sabi ni Anita sa kanyang ina na kailangan pa ang panahon bago kumita ng pera sa pagba-vlogging. "Iyan ang kailangan ko bago ang channel ko ma-monetized ng You Tube."
"Ah, gawin mo ang anumang dapat mong gawin, wala akong alam tungkol diyan sa sinasabi mong vlogging, Hindi ko rin ma-unawaan ang tungkol diyan," sabi ni Tonya.
"Hihilingin ko kay Aldo na maging assistant ko. Wala siyang trabaho kaya siya ang magiging kamera ko at drayber." sabi ni Anita. "Magkakaroon siya ng pagka-abalahan."
"Ang pinsan mo ay tamad. Siya ang magiging cameraman at driver, ngunit wala siyang kamera at wala siyang kotse, paano iyon?" tanong ni Nardo kay Anita.
"Gagamitin ko muna na camera ang aking cellphone. Alam ni Aldo kung paano magdrive ng motorsiklo. Kinausap ko na siya, at sinabi niya sa akin na pwede kong upahan ang motorsiklo ng kanyang kaibigan. Bukas magsisimula na kaming mag-vlogging," sagot ni Anita sa kanyang ama.
"Motorsiklo sa isang maabalang kalye, hindi ba mapanganib iyan?" Si Tonya ay hindi gusto na si Anita ay gagamit ng motorsiklo.
"Nanay, huwag kang mag-alala. Magiging maayos ang lahat," pagtiyak ni Anita sa kanyang ina na magiging maayos ang lahat.
SINABI ni ALDO kay Anita na kailangan nilang magsimula ng maaga para hindi mainit sa kanila sa kalye.
"Saan mo gustong mag-video?" tanong ni Aldo sa pinsan niya.
"Gusto ko maging charity vlogger. Dalhin mo ako sa isang lugar kung saan sa palagay mo maraming tao na nangangailangan ng tulong," sagot ni Anita Aldo.
"Okey, ah, paalala lang ngunit may sapat ka bang pera para pang-gasolina?" tanong ni Aldo sa pinsan niya.
"Huwag kang mag-alala tungkol diyan," at isinuot ni Anita ang kanyang helmet at sumampa sa likuran ng motor. " Huwag mabilis ang pagpatakbo ha, dahan-dahan lang at maingat."
Dinala ni Aldo si Anita sa isang lugar kung saan sa akala niya ay sasagot sa hangarin ni Anita na makakita ng taong kanyang tutulongan. Ito ay nasa tambakan ng mga basura. Nakita ni Anita na maraming mga tao na namumulot ng basura. Mga basura na sa palagay nila ay maaaring maperahan pa.
Napansin ni Anita ang isang babae. Ang babae ay buntis at sa kanyang likod ay dala-dala ang isang sanggol.
Si Aldo ay abala na sa pag-video gamit ang cellphone. Tuloy-tuloy lang ang kanyang pag-video, sa kanyang isip bahala na si Anita kung ano ang gagamitin niya kung mag-edit na ito. Niyaya ni Anita si Aldo na lapitan nila ang buntis na babae.
Papunta sa babaeng buntis, nahirapan si Anita na lumakad sa mga basura, nang bigla siyang bumagsak at natumba. Isang pulubi at mabahong tao na mukhang may malubhang sakit ang hindi niya napansin at nagkabanggaan sila.
"Tingnan mo iyong nilalakaran mo!" sabi ni Aldo sa pulubi habang tinutulungan si Anita na tumayo.
"Tulungan mo rin siya," sabi ni Anita kay Aldo na tulungan din ang pulubi.
"Paumanhin po," humingi ng paumanhin ang mamang pulubi.
"Okey lang, walang problema," sabi ni Anita sa lalaki. Mahina-mahina at mukhang gutom ang pulubi kaya kumuha si Anita ng isang daang peso sa kanyang bag at ibinigay ito sa mama.
"Ito ho, kunin mo ito, bili ka ng pagkain mo," iniabot ni Anita ang pera sa lalaki ngunit tumanggi ang lalaki.
"Hindi, salamat ho. Hindi ko kailangan ang pera. Narito ako para lamang magpapaalam."
Tiningnan ni Anita ang mukha ng lalaki. Hindi siya makapaniwala, isang pulubi na tumatanggi sa pera. Tiningnan ni Anita ang mga mata ng lalaki, hindi niya maunawaan kung ano ang kanyang nararamdaman. Parang may sinungkit na alaala ang mga matang nakatingin sa kanya.
Magpapaalam lamang, kanino? ****Itutuloy ****Remedios Dorio.